Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [Makkah na] pamayanan mo na nagpalisan sa iyo! Nagpahamak Kami sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila. (13)
Tafsīr
Kay raming pamayanan kabilang sa mga pamayanan ng mga kalipunang nauna ay higit na matindi sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaysa sa Makkah na nagpalisan sa iyo ang mga mamayan niyon mula roon. Nagpahamak Kami sa kanila noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot Namin noong dumating ito sa kanila. Hindi nagpapawalang-kakayahan sa Amin ang pagpapahamak sa mga mamamayan ng Makkah kapag nagnais Kami niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: