Surah Muḥammad (Muhammad — محمد) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




47 Muḥammad(محمد), Talata 20

وَيَقُولُ الَّذِينَ آمَنُوا لَوْلَا نُزِّلَتْ سُورَةٌ ۖ فَإِذَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ مُحْكَمَةٌ وَذُكِرَ فِيهَا الْقِتَالُ ۙ رَأَيْتَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ نَظَرَ الْمَغْشِيِّ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَأَوْلَىٰ لَهُمْ 20 ٢٠

Nagsasabi ang mga sumampalataya: “Bakit kasi walang ibinaba na isang kabanata?” Ngunit nang may pinababa na isang kabanatang isinatahasan at binanggit dito ang pakikipaglaban, makikita mo ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na tumitingin sa iyo nang pagtingin ng hinimatay dahil sa [takot sa] kamatayan. Kaya higit na nararapat para sa kanila ay (20)

Tafsīr
Nagsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh habang mga nagmimithi na magbaba si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang naglalaman ng kahatulan ng pakikipaglaban: "Bakit kaya hindi nagpababa si Allāh ng isang kabanata na naroon ang pagbanggit ng pakikipaglaban?" Ngunit nang nagpababa si Allāh ng isang kabanatang tinahas sa paglilinaw nito at mga patakaran nito, na naglalaman ng pagbanggit ng pakikipaglaban, makikita mo, O Sugo, ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na tumitingin sa iyo ng pagtingin ng hinimatay dahil sa tindi ng pangamba at pangingilabot sapagkat nagbanta sa kanila si Allāh na ang pagdurusa nila ay sumunod na sa kanila at nalapit na sa kanila dahilan sa pag-urong sa pakikipaglaban at pangamba rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba