Surah Muḥammad (Muhammad — محمد) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




47 Muḥammad(محمد), Talata 31

وَلَنَبْلُوَنَّكُمْ حَتَّىٰ نَعْلَمَ الْمُجَاهِدِينَ مِنْكُمْ وَالصَّابِرِينَ وَنَبْلُوَ أَخْبَارَكُمْ 31 ٣١

Talagang susubok nga Kami sa inyo hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka [sa pakikipaglaban] kabilang sa inyo at mga nagtitiis at sumubok Kami sa mga gawain ninyo. (31)

Tafsīr
Talagang manunubok nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pakikibaka, pakikipaglaban sa mga kaaway, at pagkapatay hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka kabilang sa inyo sa landas Namin at mga nagtitiis kabilang sa inyo sa pakikipaglaban sa mga kaaway, at manunubok Kami sa inyo para malaman ang tapat kabilang sa inyo at ang sinungaling.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba