Surah Muḥammad (Muhammad — محمد) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




47 Muḥammad(محمد), Talata 38

هَا أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ تُدْعَوْنَ لِتُنْفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَمِنْكُمْ مَنْ يَبْخَلُ ۖ وَمَنْ يَبْخَلْ فَإِنَّمَا يَبْخَلُ عَنْ نَفْسِهِ ۚ وَاللَّهُ الْغَنِيُّ وَأَنْتُمُ الْفُقَرَاءُ ۚ وَإِنْ تَتَوَلَّوْا يَسْتَبْدِلْ قَوْمًا غَيْرَكُمْ ثُمَّ لَا يَكُونُوا أَمْثَالَكُمْ 38 ٣٨

Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo sa landas ni Allāh ngunit mayroon sa inyo na nagmamaramot. Ang sinumang nagmamaramot ay nagmamaramot lamang sa sarili niya. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan samantalang kayo ay ang mga maralita [sa Kanya]. Kung tatalikod kayo ay papalitan Niya [kayo] ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo. (38)

Tafsīr
Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo ng isang bahagi mula sa mga yaman ninyo sa landas ni Allāh. Hindi naman Siya humihiling mula sa inyo ng paggugol ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito, ngunit mayroon sa inyo na nagpipigil ng paggugol na hinihiling dala ng karamutan mula sa kanya. Ang sinumang nagmamaramot sa paggugol ng isang bahagi mula sa yaman niya sa landas ni Allāh ay nagmamaramot lamang, sa katunayan, sa sarili niya sa pamamagitan ng pagkakait dito ng gantimpala ng paggugol. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya naman hindi Siya nangangailangan sa paggugol ninyo samantalang kayo ay ang mga nangangailangan sa Kanya. Kung babalik kayo sa kawalang-pananampalataya mula sa Islām, magpapahamak Siya sa inyo at magdadala Siya ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo, bagkus sila ay magiging mga tagatalima sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba