Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya kapag nakipagkita kayo [sa labanan] sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga sa mga leeg nila; hanggang sa nang nakalipol kayo sa kanila ay maghigpit kayo ng mga paggapos [sa mga bihag] saka maaaring maging may pagmamagandang-loob matapos niyon o maaaring maging may pagpapatubos [sa mga bihag] hanggang sa magbaba ang digmaan ng mga pasanin nito. Iyon nga [ang utos ni Allāh]; at kung sakaling loloobin ni Allāh ay talaga sanang naghiganti Siya laban sa kanila subalit [ipinag-utos ang pakikibaka laban sa mga kaaway ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan] upang sumubok Siya sa iba sa inyo sa pamamagitan ng iba pa. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi Siya magwawala sa mga gawa nila. (4)
Tafsīr
Kaya kapag nakipagkita kayo, O mga mananampalataya, sa mga nakikipagdigma kabilang sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga kayo sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tabak ninyo. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa maparami ninyo sa kanila ang napatay saka napuksa ninyo ang lakas nila. Kapag naparami ninyo sa kanila ang napatay ay higpitan ninyo ang mga gapos sa mga bihag. Saka kapag nakabihag kayo sa kanila ay nasa inyo ang pagpipilian alinsunod sa hinihiling ng kapakanan sa pagitan ng pagmamagandang-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalayaan sa kanila nang walang kapalit, o pagpapatubos sa kanila kapalit ng salapi o iba pa rito. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila at pagbihag sa kanila hanggang sa magwakas ang digmaan sa pamamagitan ng pagyakap sa Islām ng mga tagatangging sumampalataya o pakikipagkasunduan nila. Ang nabanggit na iyon na pagsubok sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga tagatangging sumampalataya at pagpapasalit-salitan ng mga araw at pagwawagi ng iba sa kanila sa iba pa ay kahatulan ni Allāh. Kung sakaling loloobin ni Allāh ang pagwawagi sa mga tagatangging sumampalataya nang walang paglalaban ay talaga sanang nagwagi Siya laban sa kanila subalit isinabatas Niya ang pakikibaka upang subukin ang iba sa kanila laban sa iba pa para masubok Niya ang nakikipaglaban kabilang sa mga mananampalataya at ang hindi nakikipaglaban. Sinusubok Niya ang tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng mananampalataya. Kaya kung napatay ang mananampalataya, papapasok siya sa Paraiso. Kung pinatay ng mananampalataya ang tatangging sumampalataya, papasok ang tagatangging sumampalataya sa Apoy. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: