Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Magsasabi sa iyo ang mga pinaiwan [dahil sa pag-ibig sa kamunduhan] kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Umabala sa amin ang mga ari-arian namin at ang mga mag-anak namin kaya magpatawad Ka sa amin.” Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Sabihin mo: “Sino ang makapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kapinsalaan o nagnais Siya sa inyo ng isang kapakinabangan? Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. (11)
Tafsīr
Magsasabi sa iyo, O Sugo, ang mga pinaiwan ni Allāh kabilang sa mga Arabeng disyerto sa pagsama sa iyo sa paglalakbay mo patungo sa Makkah kapag pinagsalitaan mo sila: "Umabala sa amin ang pangangalaga sa mga ari-arian namin at ang pangangalaga sa mga anak namin para maglakbay kasama sa iyo kaya humiling ka para sa amin ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala namin." Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila na paghiling ng paghingi ng tawad ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – para sa kanila dahil sila ay hindi nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila. Sabihin mo: "Walang isang nakapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kabutihan o nagnais Siya sa inyo ng isang kasamaan. Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo kahit gaano man kayo nagkubli ng mga iyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: