Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 25)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 25

هُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَالْهَدْيَ مَعْكُوفًا أَنْ يَبْلُغَ مَحِلَّهُ ۚ وَلَوْلَا رِجَالٌ مُؤْمِنُونَ وَنِسَاءٌ مُؤْمِنَاتٌ لَمْ تَعْلَمُوهُمْ أَنْ تَطَئُوهُمْ فَتُصِيبَكُمْ مِنْهُمْ مَعَرَّةٌ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ لِيُدْخِلَ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ لَوْ تَزَيَّلُوا لَعَذَّبْنَا الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا 25 ٢٥

Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila [sa Makkah] – na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman [ninyo] – [talaga sanang nagpahintulot Siya sa iyo sa pagsakop sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila [ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya] ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit. (25)

Tafsīr
Sila ay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at humadlang sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at humadlang sa inaalay kaya nanatiling napipigilan sa pag-abot sa Ḥaram, ang lugar na pinagkakatayan nito. Kung hindi dahil sa pagkakaroon ng mga lalaking mananampalataya kay Allāh at mga babaing mananampalataya sa Kanya, na hindi kayo nakakikilala sa kanila – na baka mapatay ninyo sila kasama ng mga tagatangging sumampalataya kaya mapapatawan kayo dahil sa pagkapatay sa kanila ng isang kasalanan at mga bayad-pinsala nang walang kaalaman mula sa inyo – talaga sanang nagpahintulot Siya sa inyo sa pagsakop sa Makkah upang magpapapasok si Allāh sa awa Niya ng sinumang niloloob Niya tulad ng mga mananampalataya sa Makkah. Kung sakaling natangi ang mga tumangging sumampalataya sa mga mananampalataya sa Makkah ay talaga sanang pinagdusa ang mga tumanging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ng isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba