Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 26

إِذْ جَعَلَ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي قُلُوبِهِمُ الْحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ الْجَاهِلِيَّةِ فَأَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَعَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَأَلْزَمَهُمْ كَلِمَةَ التَّقْوَىٰ وَكَانُوا أَحَقَّ بِهَا وَأَهْلَهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا 26 ٢٦

Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya sa mga puso nila ng [pagkadama ng] kapalaluan, kapalaluan ng Panahon ng Kamangmangan, ay nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpanatili Siya sa kanila sa salita ng pangingilag magkasala, at sila ay higit na may karapatan doon at higit na karapat-dapat doon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. (26)

Tafsīr
Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya sa mga puso nila ng panghahamak, panghahamak ng Kamangmangan, na hindi nauugnay sa pagsasakatotohanan ng katotohanan at nauugnay lamang sa pithaya. Humamak sila sa pagpasok ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – noong taon ng Ḥudhaybīyah dahil sa pangamba sa pang-aalipusta sa kanila dahil siya ay nanaig sa kanila roon. Kaya nagpababa si Allāh ng kapanatagan mula sa ganang Kanya sa Sugo Niya at nagpababa Siya nito sa mga mananampalataya kaya hindi naghatid sa kanila ang galit tungo sa pagtumbas sa mga tagapagtambal ng tulad sa gawain ng mga ito. Nagpanatili si Allāh sa mga mananampalataya sa pangungusap ng katotohanan, na "Walang Diyos kundi si Allāh," at na magsagawa sila ng karapatan nito kaya naman nagsagawa sila nito. Ang mga mananampalataya ay higit na may karapatan sa pangungusap na ito kaysa sa iba pa sa kanila. Sila ay ang mga alagad nito na mga nagpakakarapat-dapat dito dahil sa nalaman ni Allāh sa mga puso nila na kabutihan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba