Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan. Talagang papasok nga kayo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah], kung niloob ni Allāh, na mga ligtas na mga nag-ahit ng mga ulo ninyo [ang ilan] at mga nagpaiksi [ng buhok ang ilan], na hindi kayo nangangamba, saka nakaalam Siya ng hindi ninyo nalaman kaya gumawa Siya bukod pa roon ng isang pagpapawaging malapit. (27)
Tafsīr
Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan nang ipinakita Niya rito iyon sa pagtulog nito at ipinabatid naman nito iyon sa mga Kasamahan nito. Ang [napanaginipan ng Propeta] ay na siya at ang mga Kasamahan niya ay papasok sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh nang ligtas mula sa kaaway nila, na kabilang sa kanila ang mga nag-ahit ng mga ulo nila at kabilang sa kanila ang mga nagpaiksi [ng buhok] bilang pagpapahayag sa wakas ng gawain ng ḥajj. Saka nakaalam si Allāh mula sa kapakanan ninyo, O mga mananampalataya, ng hindi ninyo nalaman mismo. Saka gumawa Siya ng bukod pa sa pagsasakatotohanan ng panaginip sa pamamagitan ng pagpasok sa Makkah nang taon na iyon ng isang pagpapawaging malapit. Ito ay ang ipinangyari ni Allāh na Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah at ang sumunod dito na pagsakop sa Khaybar sa kamay ng mga mananampalatayang nakadalo sa Ḥudaybīyah.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: