Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 29

مُحَمَّدٌ رَسُولُ اللَّهِ ۚ وَالَّذِينَ مَعَهُ أَشِدَّاءُ عَلَى الْكُفَّارِ رُحَمَاءُ بَيْنَهُمْ ۖ تَرَاهُمْ رُكَّعًا سُجَّدًا يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانًا ۖ سِيمَاهُمْ فِي وُجُوهِهِمْ مِنْ أَثَرِ السُّجُودِ ۚ ذَٰلِكَ مَثَلُهُمْ فِي التَّوْرَاةِ ۚ وَمَثَلُهُمْ فِي الْإِنْجِيلِ كَزَرْعٍ أَخْرَجَ شَطْأَهُ فَآزَرَهُ فَاسْتَغْلَظَ فَاسْتَوَىٰ عَلَىٰ سُوقِهِ يُعْجِبُ الزُّرَّاعَ لِيَغِيظَ بِهِمُ الْكُفَّارَ ۗ وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ مِنْهُمْ مَغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا 29 ٢٩

Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng isang kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila sa Torah. Ang paglalarawan naman sa kanila sa Ebanghelyo ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, saka pinalakas nito iyon, saka kumapal iyon, saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. (29)

Tafsīr
Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga Kasamahan niya na kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya na mga nakikidigma, mga maawain sa isa’t isa sa kanila, na mga nagmamalasakitan, na mga nagmamahalan. Makikita mo sila, O tagatingin, na mga nakayukod na mga nakapatirapa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na humihiling mula kay Allāh na magmagandang-loob Siya sa kanila ng kapatawaran at gantimpalang masagana, at na malugod Siya sa kanila. Ang palatandaan nila ay nasa mga mukha nila mula sa mga bakas ng pagpapatirapa, na nagpapahayag ng patnubay, paraan, at liwanag ng pagdarasal sa mga mukha nila. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila na ipinanlarawan ng Torah, ang kasulatan na pinababa kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tungkol naman sa pagkakalarawan sa kanila sa Ebanghelyo, ang Kasulatan na pinababa kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – iyon ay na sila dahil sa pagtutulungan nila at kalubusan nila ay gaya ng tanim na nagluwal ng mga tubo nito, saka lumakas ito, saka kumapal ito, saka tumayo ito sa puno nito. Nagpatuwa sa mga tagatanim ang lakas nito at ang pagkalubos nito, upang magpangitngit si Allāh sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa nakita ng mga ito sa kanila na lakas, pagbubukluran, at kalubusan. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya at mga gumawa ng mga gawang maayos kabilang sa mga Kasamahan [ng Propeta] ng isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila kaya hindi sila masisisi dahil sa mga iyon, at isang gantimpalang sukdulan mula sa ganang Kanya, ang Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba