Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 8

إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ شَاهِدًا وَمُبَشِّرًا وَنَذِيرًا 8 ٨

Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak [na mamamalaging Kaginhawahan], at bilang mapagbabala [ng Pagdurusa], (8)

Tafsīr
Tunay na Kami ay nagpadala sa iyo, O Sugo, bilang tagasaksing sasaksi sa Kalipunan mo sa Araw ng Pagbangon, bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya dahil sa inihanda para sa kanila sa Mundo na pag-aadya at pagbibigay-kapangyarihan at dahil sa inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay na kaginhawahan, at bilang tagapagpangamba sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa inihanda para sa kanila sa Mundo na pagkahamak at pagkatalo sa mga kamay ng mga mananampalataya at dahil sa inihanda sa Kabilang-buhay na pagdurusang masakit na naghihintay sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba