Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 13)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki [na si Adan] at isang babae [na si Eva] at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid. (13)
Tafsīr
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa nag-iisang lalaki, ang ama ninyong si Adan, at nag-iisang babae, ang ina ninyong si Eva. Kaya ang kaangkanan ninyo ay nag-iisa kaya huwag magmayabang ang iba sa inyo sa iba pa sa kaangkanan. Gumawa Kami sa inyo matapos niyon bilang maraming bansa at mga liping lumaganap upang makilala ninyo ang isa't isa, hindi upang magmayabang dahil ang pagtatangian ay walang iba kundi batay sa pangingilag sa pagkakasala. Dahil dito, nagsabi Siya: Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkakasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ninyo, Mapagbatid sa taglay ninyo na kalubusan o kakulangan: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: