Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




49 Al-Ḥujurāt(الحجرات), Talata 15

إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ثُمَّ لَمْ يَرْتَابُوا وَجَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الصَّادِقُونَ 15 ١٥

Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad], pagkatapos hindi sila nag-alinlangan, at nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga tapat. (15)

Tafsīr
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos hindi nahaluan ang pananampalataya nila ng isang pagdududa, nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh at hindi sila nagmaramot ng anuman sa mga ito. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga tapat sa pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba