Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 16)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Nagtuturo ba kayo kay Allāh ng relihiyon ninyo samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.” (16)
Tafsīr
Sabihin mo, o Sugo, sa mga Arabeng disyerto na ito: "Nagtuturo ba kayo kay Allāh at nagpapatalos kayo sa Kanya ng relihiyon ninyo, samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya hindi Siya nangangailangan ng pagpapaalam ninyo sa Kanya ng relihiyon ninyo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: