Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




49 Al-Ḥujurāt(الحجرات), Talata 2

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَرْفَعُوا أَصْوَاتَكُمْ فَوْقَ صَوْتِ النَّبِيِّ وَلَا تَجْهَرُوا لَهُ بِالْقَوْلِ كَجَهْرِ بَعْضِكُمْ لِبَعْضٍ أَنْ تَحْبَطَ أَعْمَالُكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تَشْعُرُونَ 2 ٢

O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ni Propeta [Muḥammad] at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga [magandang] gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam. (2)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, magmagandang-asal kayo sa Sugo Niya at huwag ninyong gawin ang mga tinig ninyo na tumaas higit sa tinig ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa sandali ng pakikipag-usap sa kanya, at huwag kayong magpahayag sa kanya sa pangalan niya gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba pa, bagkus tumawag kayo sa kanya sa pagkapropeta [niya] at pagkasugo [niya] sa pamamagitan ng pakikipag-usap na banayad, sa pangamba na mawalang-saysay ang gantimpala sa mga gawa ninyo dahilan doon samantalang kayo ay hindi nakadarama sa pagpapawalang-saysay sa gantimpala ng mga iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba