Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nagtalaga si Allāh ng baḥīrah, ni sā’ibah, ni waṣīlah, ni ḥāmī, subalit ang mga tumangging sumampalataya ay gumawa-gawa kay Allāh ng kasinungalingan, at ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa. (103)
Tafsīr
Nagpahintulot si Allāh ng mga hayupan sapagkat hindi Siya nagbawal mula sa mga ito ng ipinagbawal ng mga tagapagtambal sa mga sarili nila para sa mga anito nila, na kabilang [sa mga ito] ang baḥīrah, na babaing kamelyo na pinuputol ang tainga nito kapag nakapagsilang ng isang takdang bilang; ang sā’ibah, na babaing kamelyo na kapag umabot sa isang takdang edad ay iniiwan sa mga anito nila; ang waṣīlah, na babaing kamelyo na nagpapatuloy ang pagsisilang sa isang babae matapos ng isang babae; ang ḥāmī, na lalaking kamelyo kapag nagkaanak mula sa sarili ng isang bilang ng mga kamelyo. Subalit ang mga tagatangging sumampalataya ay nag-akala ng isang kasinungalingan at paninirang-puri na si Allāh ay nagbawal sa mga nabanggit. Ang higit na marami sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakatatalos sa pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, at ng ipinahintulot at ipinagbabawal.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: