Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Iyon ay higit na malamang na magsagawa sila ng pagsasaksi ayon sa katunayan nito o mangamba sila na tanggihan ang mga panunumpa matapos ng mga panunumpa nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at duminig kayo. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail. (108)
Tafsīr
Ang nabanggit na iyon na pagpapasumpa sa dalawang tagasaksi matapos ng pagdarasal sa sandali ng pagdududa sa pagsasaksi nilang dalawa at laban sa pagtanggi sa pagsasaksi nilang dalawa ay higit na malapit na magsagawa silang dalawa ng pagsasaksi ayon sa paraang legal para sa pagsasagawa nito kaya hindi silang dalawa maglilihis sa pagsasaksi o magpapalit nito o magtataksil, at higit na malapit na mangamba silang dalawa na tanggihan ang mga panunumpa ng mga tagapagmana matapos ng mga panunumpa nilang dalawa sapagkat manunumpa sila ng kasalungatan sa sinaksihan nilang dalawa kaya maiiskandalo silang dalawa. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasinungalingan at kataksilan sa pagsasaksi at panunumpa. Duminig kayo sa ipinag-utos sa inyo ayon sa pagdinig na sinasamahan ng pagtanggap. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: