Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa araw na kakalap si Allāh sa mga sugo saka magsasabi Siya: “Ano ang isinagot sa inyo [ng mga kalipunan ninyo]?” ay magsasabi sila: “Walang kaalaman sa amin; tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid.” (109)
Tafsīr
Banggitin ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon kung kailan kakalap si Allāh sa lahat ng mga sugo saka magsasabi Siya sa kanila: "Ano ang itinugon sa inyo ng mga kalipunan ninyo na pinagsuguan Ko sa inyo?" Magsasabi sila, habang mga nagpapaubaya ng sagot kay Allāh: "Walang kaalaman sa amin at ang kaalaman ay sa Iyo lamang, O Panginoon namin; tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa mga bagay-bagay na nakalingid."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: