Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: “O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo at sa ina mo noong umalalay Ako sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan habang nagsasalita ka sa mga tao habang nasa duyan at nasa kasapatang-gulang; noong nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, karunungan, at Torah, at Ebanghelyo; noong lumilikha ka mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon ayon sa pahintulot Ko saka umiihip ka rito kaya ito ay nagiging ibon, at nagpapagaling ka ng ipinanganak na bulag at ng ketungin ayon sa pahintulot Ko; noong nagpapalabas ka sa mga patay ayon sa pahintulot Ko; at noong pumigil Ako sa [tangkang pagpatay ng] mga anak ni Israel palayo sa iyo noong naghatid ka sa kanila ng mga malinaw na patunay at nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila: Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.” (110)
Tafsīr
Banggitin kapag magsasabi si Allāh habang nakikipag-usap kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo nang lumikha Ako sa iyo nang walang ama at bumanggit ka sa biyaya Ko sa ina mo na si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang humirang Ako sa kanya higit sa mga babae sa panahon niya. Bumanggit ka mula sa ibiniyaya Ko sa iyo nang nagpalakas Ako sa iyo sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nagsasalita ka sa mga tao habang ikaw ay isang sanggol sa pag-aanyaya sa kanila tungo sa Akin at nagsasalita ka sa kanila sa kasapatang-gulang mo hinggil sa ipinasugo Ko sa iyo sa kanila. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, nagturo Ako sa iyo ng Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng Ebanghelyo na pinababa sa iyo, at nagturo Ako sa iyo ng mga lihim ng Batas, mga pakinabang nito, at mga karunungan nito. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na ikaw ay nagbibigay-anyo mula sa putik ng anyo ng isang ibon, pagkatapos umiihip ka rito at ito ay nagiging isang ibon; na ikaw ay nagpapagaling sa ipinanganak na bulag mula sa pagkabulag nito, nagpapagaling ng ketongin at ito ay nagiging magaling ang balat, at bumubuhay ng mga patay sa pamamagitan ng panalangin mo sa Akin na buhayin sila. Lahat ng iyon ay ayon sa pahintulot Ko. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na nagtanggol Ako sa iyon sa mga anak ni Israel noong nagbalak sila ng pagpatay sa iyo nang dinalhan mo sila ng mga himalang maliwanag ngunit walang nangyari sa kanila malibang tumanggi silang sumampalataya sa mga ito at nagsabi sila: Walang iba itong inihatid ni Jesus kundi isang panggagaway na maliwang."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: