Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 116)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 116

وَإِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ أَأَنْتَ قُلْتَ لِلنَّاسِ اتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيْنِ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالَ سُبْحَانَكَ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أَقُولَ مَا لَيْسَ لِي بِحَقٍّ ۚ إِنْ كُنْتُ قُلْتُهُ فَقَدْ عَلِمْتَهُ ۚ تَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِي وَلَا أَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِكَ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ 116 ١١٦

[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: “O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?” Magsasabi ito: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang ukol sa akin ay hindi isang karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. (116)

Tafsīr
Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon habang nakikipag-usap kay Jesus na anak ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus na anak ni Maria, nagsabi ka ba sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang sinasamba bukod pa kay Allāh?" Kaya sasagot si Jesus habang nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon niya: "Hindi nararapat para sa akin na magsabi ako sa kanila maliban ng katotohanan. Kung itinakda na ako ay nagsabi niyon, nakaalam Ka nga niyon dahil walang nakakukubli sa Iyo na anuman. Nakaaalam Ka ng inililingid ko sa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa bawat nakaliban, bawat nakakubli, at bawat nakalitaw.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba