Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 12

وَلَقَدْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَبَعَثْنَا مِنْهُمُ اثْنَيْ عَشَرَ نَقِيبًا ۖ وَقَالَ اللَّهُ إِنِّي مَعَكُمْ ۖ لَئِنْ أَقَمْتُمُ الصَّلَاةَ وَآتَيْتُمُ الزَّكَاةَ وَآمَنْتُمْ بِرُسُلِي وَعَزَّرْتُمُوهُمْ وَأَقْرَضْتُمُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا لَأُكَفِّرَنَّ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَلَأُدْخِلَنَّكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۚ فَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ مِنْكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ 12 ١٢

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng tipan sa mga anak ni Israel. Nagpadala mula sa kanila ng labindalawang pinuno. Nagsabi si Allāh: “Tunay na Ako ay kasama sa inyo. Talagang kung nagpanatili kayo ng pagdarasal, nagbigay kayo ng zakāh, sumampalataya kayo sa mga sugo Ko, kumatig kayo sa kanila, at nagpautang kayo kay Allāh ng isang magandang pautang, talagang magtatakip-sala nga Ako para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga sa katumpakan ng landas.” (12)

Tafsīr
Talaga ngang tumanggap si Allāh ng kasunduang binigyang-diin sa mga anak ni Israel sa darating na pagbanggit nito mamaya. Nagtalaga Siya sa kanila ng labindalawang pangulo, na ang bawat pangulo ay magiging isang tagapagmasid sa sinumang nasa ilalim niya. Nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya at pag-aayuda kapag nagsagawa kayo ng pagdarasal sa paraang pinakalubos, nagbigay kayo ng zakāh ng mga ari-arian ninyo, naniwala kayo sa mga sugo Ko sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, gumalang kayo sa kanila, nag-adya kayo sa kanila, at gumugol kayo sa mga uri ng kabutihan. Kaya kapag nagsagawa kayo niyon sa kabuuan niyon, talagang magtatakip-sala nga Ako sa inyo sa mga masagwang gawa na nagawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagtanggap sa tipang pinagtibay na ito ay lumigoy nga siya sa daan ng katotohanan nang nakaaalam at nananadya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba