Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mula sa mga nagsabi: “Tunay na kami ay mga Kristiyano,” tumanggap Kami ng tipan sa kanila, ngunit lumimot sila sa isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila kaya nag-udyok Kami sa pagitan nila ng pagkamuhi at pagkapoot hanggang sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita sa kanila si Allāh hinggil sa anumang dating pinaggagawa nila. (14)
Tafsīr
Gaya ng pagtanggap sa mga Hudyo ng isang kasunduang binigyang-diin na pinagtibay, tinanggap sa mga nagmamalinis sa mga sarili nila na sila raw ay mga tagasunod ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit iniwan nila ang paggawa sa isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila gaya ng ginawa ng mga ninuno nila kabilang sa mga Hudyo. Inihasik sa gitna nila ang hidwaan at ang matinding pagkasuklam hanggang sa Araw ng Pagbangon kaya sila ay naging mga nag-aawayang naglalaban-laban, na nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya ang isa't isa sa kanila. Magpapabatid sa kanila si Allāh ng anumang dating pinaggagawa nila at gaganti Siya sa kanila rito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: