Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga May Kasulatan, dumating nga sa inyo ang Sugo Namin na naglilinaw sa inyo sa isang yugto ng kawalan ng mga sugo upang [hindi] kayo magsabi: “Walang dumating sa amin na anumang mapagbalita ng nakagagalak ni mapagbabala,” sapagkat may dumating nga sa inyo na isang mapagbalita ng nakagagalak at isang mapagbabala. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan. (19)
Tafsīr
O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, dumating nga sa inyo ang Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – matapos ng pagkaputol [ng pagdating] ng mga sugo at dala ng tindi ng pangangailangan sa pagsugo sa kanya upang hindi kayo magsabi bilang mga nagdadahilan: "Walang dumating sa amin na anumang sugong nagbabalita ng nakagagalak sa amin hinggil sa gantimpala ni Allāh ni nagbababala sa amin ng parusa Niya," sapagkat dumating nga sa inyo si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa gantimpala Niya at bilang tagapagbabala ng parusa Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang pagsusugo ng mga sugo, na ang pangwakas nila ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: