Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 23

قَالَ رَجُلَانِ مِنَ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمَا ادْخُلُوا عَلَيْهِمُ الْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَالِبُونَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَتَوَكَّلُوا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 23 ٢٣

May nagsabing dalawang lalaki kabilang sa mga nangangamba, na nagbiyaya si Allāh sa kanilang dalawa: “Magsipasok kayo sa kanila sa pinto sapagkat kapag pumasok kayo roon ay tunay na kayo ay mga mananaig. Kay Allāh ay manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya.” (23)

Tafsīr
May nagsabing dalawang lalaki kabilang sa mga kasamahan ni Moises kabilang sa mga natatakot kay Allāh at nangangamba sa parusa Niya, na nagbiyaya si Allāh sa kanilang dalawa ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya, na natatangi sa mga kalipi nilang dalawa sa pagsunod sa utos ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Magsipasok kayo sa kinaroroonan ng mga higante sa pintuan ng lungsod sapagkat kapag nakalusot kayo sa pinto at nakapasok kayo roon, tunay na kayo – ayon sa pahintulot ni Allāh – ay mananaig sa kanila dala ng pagtitiwala sa kalakaran ni Allāh sa pagsasaayos ng pagwawagi dahil sa paggamit ng mga kadahilanan gaya ng pananampalataya kay Allāh at paghahanda ng mga kaparaanang materyal. Sa kay Allāh lamang sumandig kayo at manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan sapagkat ang pananampalataya ay nag-oobliga ng pananalig sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba