Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 24

قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا أَبَدًا مَا دَامُوا فِيهَا ۖ فَاذْهَبْ أَنْتَ وَرَبُّكَ فَقَاتِلَا إِنَّا هَاهُنَا قَاعِدُونَ 24 ٢٤

Nagsabi sila: “O Moises, tunay na kami ay hindi papasok doon magpakailanman hanggat namamalagi sila roon. Kaya pumunta ka at ang Panginoon mo at makipaglaban kayong dalawa; tunay na kami rito ay mga uupo.” (24)

Tafsīr
Nagsabi ang mga kalipi ni Moises na mga anak ni Israel habang mga nagpupumilit sa pagsalungat sa utos ng propeta nilang si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na kami ay hindi papasok sa lungsod hanggat namamalagi ang mga higante roon. Kaya pumunta ka, O Moises, at ang Panginoon mo at makipaglaban kayong dalawa sa mga higante. Tungkol naman sa amin, mananatili kaming mga namamalagi sa pook namin habang mga nagpapaiwan sa pakikipaglaban kasama sa inyong dalawa."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba