Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang ganti lamang sa mga nakikipagdigma kay Allāh at sa Sugo Niya at nagpupunyagi sa lupa ng kaguluhan ay na pagpapatayin sila o bitayin sila o pagpuputulin ang mga kamay nila at ang mga paa nila nang magkabilaan o ipatapon sila sa [ibang] lupain. Iyon ay ukol sa kanila: isang kahihiyan sa Mundo; at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan, (33)
Tafsīr
Walang kahihinatnan ang mga nakikipagdigma kay Allāh at sa Sugo Niya at nakikihamok sa Kanya sa pamamagitan ng pangangaway at panggugulo sa lupa sa pamamagitan ng pagpatay, pagkuha ng mga ari-arian ng iba, at panunulisan sa daan kundi na pagpapatayin sila nang walang pagbibitay, o pagpapatayin sila kasabay ng pagbibitay sa isang kahoy at tulad nito, o pagpuputulin ang kanang kamay ng bawat isa sa kanila kasama ng kaliwang paa – pagkatapos kung umulit ito ay puputulin naman ang kaliwang kamay niya kasama ng kanang paa niya – o ipatapon sila sa ibang bayan. Ang parusang iyon ay ukol sa kanila: isang kahihiyan sa Mundo; at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan,
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: