Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, maghangad kayo tungo sa Kanya ng pampalapit, at makibaka kayo alang-alang sa landas Niya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (35)
Tafsīr
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, hilingin ninyo ang mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa inyo at ng paglayo sa sinaway Niya sa inyo, at makibaka kayo sa mga tagatangging sumampalataya bilang paghahangad sa kaluguran Niya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng hinihiling ninyo at makaiiwas sa kinasisindakan ninyo kapag nagsagawa kayo niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: