Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 42

سَمَّاعُونَ لِلْكَذِبِ أَكَّالُونَ لِلسُّحْتِ ۚ فَإِنْ جَاءُوكَ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ أَوْ أَعْرِضْ عَنْهُمْ ۖ وَإِنْ تُعْرِضْ عَنْهُمْ فَلَنْ يَضُرُّوكَ شَيْئًا ۖ وَإِنْ حَكَمْتَ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِالْقِسْطِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ 42 ٤٢

Mga palakinig sa kasinungalingan, mga palakain ng kinita sa masama, kaya kung dumating sila sa iyo ay humatol ka sa pagitan nila o umayaw ka palayo sa kanila. Kung aayaw ka palayo sa kanila ay hindi sila makapipinsala sa iyo ng anuman. Kung hahatol ka ay humatol ka sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan. (42)

Tafsīr
Ang mga Hudyo na ito ay mga madalas makinig sa kasinungalingan at mga madalas makinabang sa yamang galing sa ipinagbabawal gaya ng patubo sa pautang. Kaya kung nagpahatol sila sa iyo, O Sugo, ay magpasya ka sa pagitan nila kung loloobin mo o iwan mo ang pagpapasya sa pagitan nila kung loloobin mo sapagkat ikaw ay makapipili sa dalawang kalagayan. Kung iiwan mo ang pagpapasya sa pagitan nila ay hindi sila makakakaya na puminsala sa iyo ng anuman. Kung magpapasya ka sa pagitan nila ay magpasya ka sa pagitan nila ayon sa katarungan kahit sila man ay mga tagalabag sa katarungan at mga kaaway. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa hatol nila, kahit pa man ang mga nagpapahatol ay mga kaaway ng tagahatol.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba