Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 50

أَفَحُكْمَ الْجَاهِلِيَّةِ يَبْغُونَ ۚ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ اللَّهِ حُكْمًا لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ 50 ٥٠

Kaya ang paghahatol ng Panahon ng Kamangmangan ba ay hinahangad nila? Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa paghatol para sa mga taong nakatitiyak? (50)

Tafsīr
Umaayaw ba sila sa paghatol mo habang humihiling ng paghatol ng mga alagad ng Kamangmangan kabilang sa mga mananamba ng mga diyus-diyusan, na mga humahatol bilang pagsunod sa mga pithaya nila? Walang isang higit na magaling sa paghatol kaysa kay Allāh sa ganang mga alagad ng katiyakan, na mga nakauunawa buhat kay Allāh ng pinababa sa Sugo Niya, hindi mga alagad ng kamangmangan at mga pithaya na walang tinatanggap kundi ang umaalinsunod sa mga pithaya nila kahit pa ito ay kabulaanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba