Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 57)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 57

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَكُمْ هُزُوًا وَلَعِبًا مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَالْكُفَّارَ أَوْلِيَاءَ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 57 ٥٧

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa, bilang mga katangkilik, sa mga gumawa sa relihiyon ninyo ng pangungutya at paglalaro kabilang sa mga nabigyan ng Kasulatan bago pa ninyo, at sa mga tagatangging sumampalataya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, kung kayo ay mga mananampalataya. (57)

Tafsīr
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga nanunuya sa relihiyon ninyo at naglalaru-laro rito kabilang sa mga binigyan ng kasulatan bago pa ninyo kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga tagapagtambal bilang mga kapanalig at mga hinirang. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa sinaway Niya sa inyo na pakikipagtangkilikan sa kanila, kung kayo ay mga mananampalataya sa Kanya at sa pinababa Niya sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba