Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 64

وَقَالَتِ الْيَهُودُ يَدُ اللَّهِ مَغْلُولَةٌ ۚ غُلَّتْ أَيْدِيهِمْ وَلُعِنُوا بِمَا قَالُوا ۘ بَلْ يَدَاهُ مَبْسُوطَتَانِ يُنْفِقُ كَيْفَ يَشَاءُ ۚ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ طُغْيَانًا وَكُفْرًا ۚ وَأَلْقَيْنَا بَيْنَهُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۚ كُلَّمَا أَوْقَدُوا نَارًا لِلْحَرْبِ أَطْفَأَهَا اللَّهُ ۚ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا ۚ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ 64 ٦٤

Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang kamay ni Allāh ay nakakulyar.” Makulyar nawa ang mga kamay nila at isinumpa sila dahil sa sinabi nila. Bagkus ang dalawang Kamay Niya ay mga nakabukas; gumugugol Siya kung papaanong Niyang niloloob. Talagang magdaragdag nga sa marami kabilang sa kanila ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya. Pumukol Kami sa pagitan [ng mga sekta] nila ng pagkamuhi at pagkapoot hanggang sa Araw ng Pagbangon. Sa tuwing nagpapaningas sila ng isang apoy para sa digmaan, umaapula rito si Allāh. Nagpupunyagi sila sa lupa ng kaguluhan. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo. (64)

Tafsīr
Nagsabi ang mga Hudyo noong may tumama sa kanila na isang hirap at isang tagtuyot: "Ang kamay ni Allāh ay nakakuyom sa pagkakaloob ng biyaya at bigay; nagkait Siya sa amin ang nasa Kanya." Pakatandaan, napigilan ang mga kamay nila sa paggawa ng kabutihan at pagbibigay. Itinaboy sila mula sa awa ni Allāh dahil sa sinabi nilang ito. Bagkus ang mga kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay mga nakabukas sa kabutihan at pagbibigay. Gumugugol Siya kung papaano Niyang niloloob. Nagbubukas Siya at nagkukuyom. Walang tagahadlang sa Kanya at walang tagapilit sa Kanya. Walang naidaragdag sa mga Hudyo ang pinababa sa iyo, O Sugo, kundi isang paglampas sa hangganan at isang pagkakaila. Iyon ay dahil sa taglay nilang inggit. Pumukol si Allāh sa pagitan ng mga pangkatin ng mga Hudyo ng pagkamuhi at pagkasuklam. Sa tuwing nagbubuklod sila para sa digmaan at naghahanda para rito ng kagamitan, o nagsasabwatan para pagpapaningas nito, dumudurog si Allāh sa bukluran nila at nag-aalis ng lakas nila. Hindi sila tumitigil sa pagsisikap sa paggawa ng anumang may kaguluhan fsa lupa gaya ng pagsisikap para magpabula sa Islām at pagpapakana laban dito. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga alagad ng kaguluhan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba