Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 66)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 66

وَلَوْ أَنَّهُمْ أَقَامُوا التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِمْ مِنْ رَبِّهِمْ لَأَكَلُوا مِنْ فَوْقِهِمْ وَمِنْ تَحْتِ أَرْجُلِهِمْ ۚ مِنْهُمْ أُمَّةٌ مُقْتَصِدَةٌ ۖ وَكَثِيرٌ مِنْهُمْ سَاءَ مَا يَعْمَلُونَ 66 ٦٦

Kung sakaling sila ay nagpanatili sa Torah, Ebanghelyo, at anumang pinababa sa kanila mula sa Panginoon nila, talaga sanang kumain sila mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila. Kabilang sa kanila ay isang kalipunang makatwiran at marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang ginagawa nila. (66)

Tafsīr
Kung sakaling ang mga Hudyo ay gumawa ng ayon sa Torah at ang mga Kristiyano ay gumawa ng ayon sa Ebanghelyo, at gumawa sila sa kalahatan ng ayon sa pinababa sa kanila mula sa Qur'ān, talaga sanang magpapadali Ako para sa kanila ng mga kadahilanan ng pagkamit ng panustos gaya ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo ng lupa. Kabilang sa mga May Kasulatan ang makatamtamang nananatili sa katotohanan ngunit ang marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang gawain nila dahil sa kawalan ng pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba