Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 68)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 68

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَسْتُمْ عَلَىٰ شَيْءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُوا التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ ۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ طُغْيَانًا وَكُفْرًا ۖ فَلَا تَأْسَ عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ 68 ٦٨

Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, kayo ay hindi batay sa anuman [sa relihiyon] hanggang sa magpanatili kayo sa Torah, Ebanghelyo, at [Qur’ān na] pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo.” Talagang magdaragdag nga sa marami sa kanila ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya. Kaya huwag kang magdalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya. (68)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Kayo, O mga Hudyo at mga Kristiyano, ay hindi nakabatay sa anuman mula sa relihiyong maisasaalang-alang hanggang sa gumawa kayo ayon sa Torah at Ebanghelyo at gumawa kayo ayon sa pinababa sa inyo mula sa Qur'ān, na hindi tutumpak ang pananampalataya ninyo malibang sa pamamagitan ng pananampalataya rito at paggawa ayon sa nasa loob nito. Talagang magdaragdag nga sa marami sa mga May Kasulatan ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis sa isang [dating] pagmamalabis at ng isang kawalang-pananampalataya sa isang [dating] kawalang-pananampalataya dahil sa taglay nilang inggit. Kaya huwag kang mamighati sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ay may yaman at kasapatan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba