Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 71)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 71

وَحَسِبُوا أَلَّا تَكُونَ فِتْنَةٌ فَعَمُوا وَصَمُّوا ثُمَّ تَابَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ثُمَّ عَمُوا وَصَمُّوا كَثِيرٌ مِنْهُمْ ۚ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ 71 ٧١

Nag-akala sila na walang mangyayaring isang ligalig kaya nabulag sila at nabingi sila. Pagkatapos tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa kanila. Pagkatapos [sa katotohanan ay] may nabulag at nabinging marami sa kanila. Si Allāh ay nakakikita sa anumang ginagawa nila. (71)

Tafsīr
Nagpalagay sila na ang pagsira nila sa mga tipan at mga kasunduan, ang pagpapasinungaling nila, at ang pagpatay nila sa mga propeta ay hindi nagreresulta ng isang kapinsalaan sa kanila ngunit nagresulta ito ng hindi nila ipinagpalagay kaya nabulag sila sa katotohanan kaya hindi sila napatnubayan tungo rito at nabingi sila sa pagdinig nito ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Pagkatapos tumanggap si Allāh sa kanila ng pagbabalik-loob dala ng isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya. Pagkatapos nabulag sila matapos niyon sa katotohanan at nabingi sila sa pagdinig nito ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Nangyari iyon sa marami sa kanila. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Gaganti Siya sa kanila roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba