Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 7

وَاذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَمِيثَاقَهُ الَّذِي وَاثَقَكُمْ بِهِ إِذْ قُلْتُمْ سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 7 ٧

Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo at kasunduan Niya na nakipagkasunduan Siya sa inyo sa pamamagitan nito noong nagsabi kayo: “Nakarinig kami at tumalima kami.” Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. (7)

Tafsīr
Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng kapatnubayan sa Islām at umalaala kayo sa tipan Niya na nakipagtipan Siya sa inyo nang nagsabi kayo noong nangako kayo ng katapatan sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagdinig at pagtalima sa sandali ng kasiglahan at kaatubilian: "Nakarinig kami sa sabi mo at tumalima kami sa utos mo." Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya – kabilang sa mga ito ang mga tipan Niya – at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga puso kaya walang nakakukubli sa kanya mula rito na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba