Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (90)
Tafsīr
O mga sumampalataya, ang nakalalasing na nag-aalis ng isip, ang sugal na naglalaman ng taya ng dalawang panig, ang mga bato na nagkakatay sa tabi ng mga ito ang mga tagapagtambal bilang pagdakila sa mga ito o nagtatayo sila ng mga ito para sa pagsamba sa mga ito, at ang mga patpat ng palaso na sila noon ay humihiling sa pamamagitan ng mga ito kung ano ang ibinahagi sa kanila mula sa Lingid [sa kanila], ang lahat ng iyon ay kasalanan mula sa panghahalina ng demonyo, kaya lumayo kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng isang buhay na marangal sa Mundo at ng kaginhawahan sa Paraiso sa Kabilang-buhay.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: