Surah Qāf (Qaf — ق) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




50 Qāf(ق), Talata 36

وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هُمْ أَشَدُّ مِنْهُمْ بَطْشًا فَنَقَّبُوا فِي الْبِلَادِ هَلْ مِنْ مَحِيصٍ 36 ٣٦

Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik, saka gumalugad sila sa bayan; may mapupuslitan kaya? (36)

Tafsīr
Kay rami ng mga kalipunang ipinahamak Namin bago ng mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga mamamayan ng Makkah. Sila noon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas, saka nagsiyasat sila sa bayan nang sa gayon sila ay makatagpo ng matatakasan mula sa pagdurusa ngunit hindi sila nakatagpo niyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba