Surah Aṭ-Ṭūr (Ang Bundok — الطور) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




52 Aṭ-Ṭūr(الطور), Talata 47

وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا عَذَابًا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 47 ٤٧

Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay isang pagdurusang iba pa rito [sa Mundo] subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (47)

Tafsīr
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal at mga pagsuway ay isang pagdurusa bago ng pagdurusa sa Kabilang-buhay. Sa Mundo ay sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at sa Barzakh ay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan, subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya dahil doon nananatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba