Surah An-Najm (Ang Bituin — النجم) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




53 An-Najm(النجم), Talata 28

وَمَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ ۖ وَإِنَّ الظَّنَّ لَا يُغْنِي مِنَ الْحَقِّ شَيْئًا 28 ٢٨

Walang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman. (28)

Tafsīr
Walang ukol sa kanila dahil sa pagpapangalan sa mga ito bilang mga babae na anumang kaalamang masasandalan nila. Wala silang sinusunod doon kundi ang pagbubulaan at ang paghahaka. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman para tumayo sa matatayuan nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba