Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin [na si Noe] at nagsabi silang baliw [siya] at ipinagtabuyan siya. (9)
Tafsīr
Nagpasinungaling, bago ng mga tagapagpasinungaling na ito, sa paanyaya mo, O Sugo, ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Naming si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nagpadala Kami sa kanya sa kanila. Nagsabi sila tungkol sa kanya na siya ay baliw. Bumulyaw sila sa kanya ng sarisaring panlalait, pang-iinsulto, at pagbabanta kapag hindi siya huminto sa pag-aanyaya sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: