Surah Ar-Raḥmān (Ang Pinakamaawain — الرحمن) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




55 Ar-Raḥmān(الرحمن), Talata 33

يَا مَعْشَرَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ إِنِ اسْتَطَعْتُمْ أَنْ تَنْفُذُوا مِنْ أَقْطَارِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ فَانْفُذُوا ۚ لَا تَنْفُذُونَ إِلَّا بِسُلْطَانٍ 33 ٣٣

O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na lumagos sa mga purok ng mga langit at lupa ay lumagos kayo. Hindi kayo lalagos kundi sa pamamagitan ng isang kapangyarihan [na ibinigay ni Allāh]. (33)

Tafsīr
Magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon kapag tinipon Niya ang jinn at ang tao: "O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na makatagpo kayo ng isang labasan mula sa isang dako kabilang sa mga dako ng mga langit at lupa ay gawin ninyo. Hindi kayo makakakaya na gumawa niyon kundi sa pamamagitan ng isang lakas at isang malinaw na patunay at mula saan mayroon kayo niyon?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba