Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 10

وَمَا لَكُمْ أَلَّا تُنْفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَاثُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا يَسْتَوِي مِنْكُمْ مَنْ أَنْفَقَ مِنْ قَبْلِ الْفَتْحِ وَقَاتَلَ ۚ أُولَٰئِكَ أَعْظَمُ دَرَجَةً مِنَ الَّذِينَ أَنْفَقُوا مِنْ بَعْدُ وَقَاتَلُوا ۚ وَكُلًّا وَعَدَ اللَّهُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 10 ١٠

Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo gumugugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana ng mga langit at lupa. Hindi napapantayan kabilang sa inyo ang sinumang gumugol [alang-alang kay Allāh] bago pa ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban. Ang mga iyon ay higit na dakila sa antas kaysa sa mga gumugol matapos na niyan at nakipaglaban [sa landas ni Allāh]. Sa bawat [isa] ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. (10)

Tafsīr
May aling bagay na humahadlang sa inyo sa paggugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana ng mga langit at lupa? Ang sinumang gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh sa paghahangad ng lugod Niya bago pa ng pagsakop ng Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya para sa pag-aadya sa Islām ay hindi nakapapantay kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, sa sinumang gumugol matapos ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Ang mga tagagugol bago pa ng pagsakop at ang mga nakikipaglabang iyon sa landas ni Allāh ay higit na dakila sa kalagayan sa ganang kay Allāh at higit na angat sa antas kaysa sa mga gumugol ng mga yaman nila sa landas Niya matapos ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako nga si Allāh sa kapwa pangkat ng Paraiso. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa ninyo at gaganti sa inyo sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba