Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 24

الَّذِينَ يَبْخَلُونَ وَيَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبُخْلِ ۗ وَمَنْ يَتَوَلَّ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ 24 ٢٤

Ang mga nagmamaramot at nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot [ay mga lugi]. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri. (24)

Tafsīr
Ang mga nagmamaramot ng kinakailangan sa kanila na ipagkaloob at nag-uutos sa iba pa sa kanila ng pagmamaramot ay mga lugi. Ang sinumang tatalikod sa pagtalima kay Allāh ay hindi makapipinsala kay Allāh at makapipinsala lamang sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya hindi Siya nangangailangan sa pagtalima ng mga alipin Niya, ang Pinapupurihan sa bawat kalagayan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba