Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 27

ثُمَّ قَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِمْ بِرُسُلِنَا وَقَفَّيْنَا بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ وَآتَيْنَاهُ الْإِنْجِيلَ وَجَعَلْنَا فِي قُلُوبِ الَّذِينَ اتَّبَعُوهُ رَأْفَةً وَرَحْمَةً وَرَهْبَانِيَّةً ابْتَدَعُوهَا مَا كَتَبْنَاهَا عَلَيْهِمْ إِلَّا ابْتِغَاءَ رِضْوَانِ اللَّهِ فَمَا رَعَوْهَا حَقَّ رِعَايَتِهَا ۖ فَآتَيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا مِنْهُمْ أَجْرَهُمْ ۖ وَكَثِيرٌ مِنْهُمْ فَاسِقُونَ 27 ٢٧

Pagkatapos nagpasunod Kami sa mga bakas nila ng mga sugo Namin. Nagpasunod Kami kay Jesus na anak ni Maria at nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumunod sa kanya ng isang habag at isang awa. May monastisismo na pinauso nila, na hindi Kami nagsatungkulin nito sa kanila maliban bilang paghahangad sa pagkalugod ni Allāh, ngunit hindi sila nangalaga rito ayon sa totoong pangangalaga rito. Kaya nagbigay Kami sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng pabuya nila at marami sa kanila ay mga suwail. (27)

Tafsīr
Pagkatapos pinasundan Namin ang mga sugo Namin kaya nagpadala Kami sa kanila nang sunud-sunod sa mga kalipunan nila. Pinasundan Namin si Jesus na anak ni Maria at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumampalataya sa kanya at sumunod sa kanya ng habag at awa, kaya sila noon ay mga nagmamahalan, mga nag-aawaan sa isa't isa sa kanila. Nagpauso sila ng pagpapakalabis-labis sa relihiyon nila kaya iniwan nila ang ilan sa ipinahintulot ni Allāh para sa kanila gaya ng pag-aasawa at mga minamasarap. Hindi Siya humiling sa kanila niyon. Nag-obliga lamang sila nito sa mga sarili bilang pagpapauso mula sa kanila sa relihiyon. Humiling lamang [sa kanila] ng pagsunod sa kaluguran ni Allāh ngunit hindi nila ginawa. Nagbigay Siya sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng gantimpala nila. Marami sa kanila ay mga lumabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa inihatid sa kanila ng Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba