Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 7

آمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَأَنْفِقُوا مِمَّا جَعَلَكُمْ مُسْتَخْلَفِينَ فِيهِ ۖ فَالَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَأَنْفَقُوا لَهُمْ أَجْرٌ كَبِيرٌ 7 ٧

Sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at gumugol kayo [sa kawanggawa] mula anumang sa ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan doon. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumugol [sa kawanggawa], ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki [na Paraiso]. (7)

Tafsīr
Sumampalataya kayo kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya. Gumugol kayo mula sa yaman na ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan nito: magsagawa kayo rito ng alinsunod sa isinabatas Niya para sa inyo. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo kay Allāh at nagkaloob ng mga yaman nila sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan sa piling Niya, ang paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba