Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 8

وَمَا لَكُمْ لَا تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ ۙ وَالرَّسُولُ يَدْعُوكُمْ لِتُؤْمِنُوا بِرَبِّكُمْ وَقَدْ أَخَذَ مِيثَاقَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 8 ٨

Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo sumasampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay nag-aanyaya sa inyo upang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo samantalang tumanggap nga Siya ng kasunduan sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya? (8)

Tafsīr
Aling bagay ang humahadlang sa inyo sa pananampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo ay nag-aanyaya sa inyo tungo kay Allāh sa pag-asang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo – kaluwalhatian sa Kanya – gayong tumanggap nga si Allāh mula sa inyo ng pangako na sumampalataya kayo sa Kanya nang nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga likod ng mga ama ninyo, kung kayo nga ay mga mananampalataya?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba