Surah Al-Ḥadīd (Ang Bakal — الحديد) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




57 Al-Ḥadīd(الحديد), Talata 9

هُوَ الَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبْدِهِ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ لِيُخْرِجَكُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَإِنَّ اللَّهَ بِكُمْ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ 9 ٩

Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niya [na si Propeta Muḥammad] ng mga tandang malilinaw upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain. (9)

Tafsīr
Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tandang maliliwanag, upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain nang nagsugo Siya sa inyo ng Propeta Niya bilang tagapagpatnubay at bilang mapagbalita ng nakagagalak.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba