Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 10

إِنَّمَا النَّجْوَىٰ مِنَ الشَّيْطَانِ لِيَحْزُنَ الَّذِينَ آمَنُوا وَلَيْسَ بِضَارِّهِمْ شَيْئًا إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 10 ١٠

Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. (10)

Tafsīr
Ang [masamang] sarilinang pag-uusap – na naglalaman ng kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo – ay mula lamang sa pang-aakit ng demonyo at panunulsol nito sa mga katangkilik nito upang pumasok ang lungkot sa mga mananampalataya [sa pag-aakala ] na sila ay ginagawan ng pakana. Ang demonyo ni ang pang-aakit nito ay hindi makapipinsala sa mga mananampalataya sa anuman malibang ayon sa kalooban ni Allāh at pagnanais Niya. Kay Allāh sumandig ang mga mananampalataya sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba