Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 1

قَدْ سَمِعَ اللَّهُ قَوْلَ الَّتِي تُجَادِلُكَ فِي زَوْجِهَا وَتَشْتَكِي إِلَى اللَّهِ وَاللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَا ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ 1 ١

Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo [O Propeta Muḥammad] hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita. (1)

Tafsīr
Narinig nga ni Allāh ang pananalita ng babae (si Khawlah bint Tha`labah) na sumasangguni sa iyo, O Sugo, hinggil sa pumapatungkol sa asawa niya (si Aws bin Aṣ-Ṣāmit) noong nagsagawa ito sa kanya ng diborsiyong dhihār (paghahalintulad sa maybahay sa ina ng asawa) at dumaraing kay Allāh ng ginawa sa kanya ng asawa niya. Si Allāh ay nakaririnig sa pagsasanggunian ninyong dalawa sa pag-uusap; walang nakakukubli kay Allāh mula roon na anuman. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba