Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo [ni Allāh], bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo. (9)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa anumang may kasalanan o pangangaway o pagsuway sa Sugo upang hindi kayo maging tulad ng mga Hudyo. Sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa anumang may pagtalima kay Allāh at pagpipigil sa pagsuway sa Kanya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat tungo sa Kanya lamang kayo kakalapin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: